Tinatayang 50 bahay ang nasira sa pananalasa ng ipo-ipo sa South Ridge, Brgy. San Antonio sa San Pedro, Laguna nitong Miyerkules ng hapon.
Kuwento ng residenteng si Jomel Ariquez, kasabay ng malakas na ulan kahapon ay nagulat na lamang sila nang biglang magkaroon ng ipo-ipo.
Ilang minuto lang
anyang dumaan ang ipo-ipo ngunit marami sa mga bahay ang nawalan ng
bubong habang nawasak naman maging ang looban ng iba.
Isang tahanan din ang halos wala nang natira dahil sa tindi ng pinsala at nagkataon lamang na walang tao sa loob.
Nagtamo rin ng sugat ang isang residente habang kabuuang 50 pamilya ang naapektuhan ng insidente.
Pansamantalang inilikas ang mga residente sa covered court at barangay hall. (DZMM)

0 comments:
Post a Comment