Binawi na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang notice to airmen sa Clark International Airport sa Pampanga.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolinio, naisaayos na ang Doppler Very High Frequency Omni-Range (DVOR) na isang uri ng aparatong ginagamit na gabay sa paglapag at paglipat ng eroplano.
Operational na rin anya ang iba pang instrumental approach ng paliparan na nagkaaberya matapos makidlatan nitong Martes.
Binanggit din ni Apolinio na maging ang mga biyahe ng eroplano sa gabi ay balik na rin sa normal. (DZMM)
Binanggit din ni Apolinio na maging ang mga biyahe ng eroplano sa gabi ay balik na rin sa normal. (DZMM)
0 comments:
Post a Comment