Mariing kinondena ng pamunuan ng pambansang pulisya ang ginawang pagsalakay ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Gov. Generoso Police Station sa Davao Oriental at pagdukot sa mismong chief of police ng nasabing police station.
Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Wilben Mayor, ongoing pa rin sa ngayon ang isinasagawang hot pursuit operations laban sa nasa 60 na mga armadong rebelde na sumalakay sa istasyon ng pulisya.
Tumutulong na rin umano sa operasyon ang 701st Brigade ng Philippine Army sa paghahanap sa mga salarin.
Ayon naman kay Supt. Antonio Ibot, spokesperson ng Davao Oriental Police Provincial Office, sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay planado ang ginawang pag-atake ng rebeldeng grupo at “agaw-armas” ang kanilang motibo.
Ani Ibot na kasalukuyan ay nasa full alert status na ang buong pwersa ng pulisya sa Davao Oriental kaugnay sa insidente.
(Radyo Inquirer)

0 comments:
Post a Comment