Home » , » 15-anyos na bata, patay nang makoryente

15-anyos na bata, patay nang makoryente


Hindi pa malaman ngayon ng pamilya ng 15-anyos na batang lalaki kung magsasampa ng kaso sa taong dahilan nang pagkakoryente ng kanilang anak sa Albay.

Ang biktima ay kinilalang si Allan Dasalla, 15, mula sa Rizal St., sa Legazpi City.

Sa impormasyon lumalabas na inutusan ng isang alyas Betita ang biktima na umakyat sa bubong ng kanilang Day Care Center sa Barangay 28, Victory Village, Legazpi City para ayusin sana ang nakasabit ditong tarpaulin.

Subalit pagdating sa itaas, aksidenteng nahawakan ni Dasalla ang live wire ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) dahilan para ito ay makoryente.

Agad namang naisugod sa ospital ang bata subalit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor. (Bomboradyo)
Share this video :

0 comments:

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Even Demata - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger