
Inihayag ni Sulu Joint Task Force commander B/Gen. Alan Arrojado na kabilang sa mga nakita sa lugar ay si Amin Bacu na may mga alyas na Abu Jihad at Khalid na isang Indonesia-Filipino at kilalang tagasunod nang napatay na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan, si Muhamad Mahmud, Muhamad Alih at ang iba pang hindi nakilalang JI bomber.
Ang sagupaan ay nagsimula dakong alas-6:30 ng umaga kahapon na tumagal ng halos isang oras nang makaengkuwentro ng mga sundalo ang nasa humigiit kumulang 300 Abu Sayyaf ang tropa ng Marine Battalion Landing Team (MLBT2) na nagresulta sa 10 sundalo ang nasugatan.
Tatlong Abu Sayyaf din ang napaulat na napatay na kinilalang sina sina Umaili Jarmaani, Aljimar Barin at Ardam Muhajili, pawang mga residente ng magkakahiwalay na barangay sa munisipyo ng Patikul.
Habang limang iba pa sa panig ng Abu Sayaff ang sugatan kung saan dalawa sa mga ito ang kinilala sa mga alyas na Sueb at Anas.
Ang 10 Marines ay natukoy na sina sina Sgt. Rey Addatu, Pfc. Reygie Gapuz, Pfc. Denmark Wanasen, Pfc. Joseph Accad, Cpl Elmer De Jesus, Cpl. Francisco Masanda III, Cpl. Jomar Ballad, Pvt. Ronwaldo Dalayday, Pvt. Raul Julius Calamang at si Pvt. Dionisio Lava Jr. ay nilalapatan ng lunas ngayon sa Camp Navarro General Hospital sa loob ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa Zamboanga City na nasa stable na rin ang kondisyon.
Inaalam pa ng militar kung may casualty sa mga natukoy na JI members na kasamanag nakipagbakbakan laban sa mga sundalo. (Bomboradyo)
0 comments:
Post a Comment