
Muling sasabak sa shooting ng kaniyang pelikula ngayong gabi si Kris.
Ngunit hinay-hinay na umano ngayon sa trabaho ang Presidential sister.
Ayon sa tinaguriang Queen of All Media, mahigpit ang curfew na ipapatupad niya sa sarili kung saan hanggang hatinggabi lamang dapat siya magtrabaho.
Dasal ng TV host na magkaroon siya ng kapayapaan sa gitna ng stress sa trabaho.
Kamakailan nang isugod sa ospital si Kris dahil sa tinding sakit ng ulo, pagsusuka at tumaas ang blood pressure.
Ayon sa TV host, muntik na siyang ma-stroke at ito ay dahil sa pag-abuso niya sa katawan dahil sa tuloy-tuloy na trabaho.
Ang nangyari ay isa umanong wake up call para sa kaniya at sa mga mahal niya sa buhay. (Bomboradyo)
0 comments:
Post a Comment