
Kinilala ang biktima na si Diosdado Floralde Lacsa, 53, residente ng Sitio Gabod, Bgy Taromata, Bulan, Sorsogon.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakilala ang mga suspek na sina Alex, Gil, Oro at Esean Gersalia at kapitbahay lamang ni Floralde.
Napag-alaman na nakatakda sanang makipaglibing ang biktima nang abangan ng mga suspek at sabayan itong pinagtataga.
Agad namang tumakas ang mga salarin habang ang biktima ay binawian ng buhay at natagpuan na lamang na naliligo sa kanyang sariling dugo.
Sa ngayon, patuloy pa ang paghahanap na ginagawa ng mga tauhan ng Bulan Municipal Police Station sa mga suspek. (Bomboradyo)
0 comments:
Post a Comment