Home » , » DOH, nagpalabas ng guidelines para maiwasan ang food poisoning

DOH, nagpalabas ng guidelines para maiwasan ang food poisoning


Nagpalabas ang Department of Health ng guidelines upang maiwasan nang maulit ang insidente ng pagkalason ng mga estudyante sa isang paaralan sa Makati kahapon.

Muling iginiit ng DOH ang importansya ng food safety makaraang malason ang humigit kumulang 133 estudyante mula sa Gen. Pio del Pilar Elementary dahil umano sa expired na biscuit na binibenta sa loob mismo ng paaralan.

Nakikipagtulungan pa rin aniya ang DOH sa City Health Office ng Makati sa pag-monitor sa mga biktima.

Nagbigay na rin sila umano ng mga food samples sa Food and Drug Administration upang ipasuri ang pinaghihinalaang agent sa pagkalason ng mga biktima.

Ayon kay Health Secretary Janet Garin, kailangan magkaroon ng health certificates mula sa City o Municipal Health Officers ang lahat ng mga nangagasiwa sa mga school canteens.

Dapat din aniyang tiyakin ng mga paaralan na hindi expired, sariwa at naluto ng maayos ang kanilang binibentang produkto.

Binigyan diin ni Garin na dapat ipaghiwalay ang mga lutong pagkain sa hindi pa luto upang maiwasan ang kontaminasyon.

"Pinapaalahanan natin ang mga nakatatanda na maging maingat sa inihahain o ibinibigay sa ating mga estudyante. Ang paaralan ay itinuturing nilang pangalawang tahanan. Bukod sa edukasyon, pangalagaan natin ang kanilang kalusugan na kayamanan na maibabahagi sa kanilang kinabukasan," wika ni Garin.
(Bomboradyo)

Share this video :

0 comments:

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Even Demata - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger