Ilang oras matapos na ideklara ng World Health Organization na malaya na ang West Africa sa outbreak ng Ebola Virus ay mayroong isang namatay na sinasabing nadapuan ng nasabing virus sa Sierra Leone.
Lumabas sa dalawang pagsusuri sa isang namatay sa northern Sierra Leonne na ito ay positibo sa nasabing virus.
Ayon kay Ebola test center spokesman Sidi Yahya Tunis na ang pasyente ay namatay sa Tonkolili district matapos na ito ay bumiyahe sa Kambia malapit sa border ng Guinea.
Idineklara na wala na ang Ebola noong Nobyembre 7 at noong nakaraang araw lamang ay idineklara ng WHO na wala ng kaso ng Ebola ang naitatala sa West Africa. (Bomboradyo)
0 comments:
Post a Comment