Ginalugad ng nasabing fishing assets ang Sarangani Bay sa pangunguna ng isang amphibious ship na may karga ng Itim na Sto. Niño habang sa magkabilang gilid nito ang tig tatlong fast craft ng Phiippine Navy at PNP Maritime.
Kinumpirma ni Marfenio Tan, fishing magnate na umuwi ang halos lahat na fishing boat mula sa iba't ibang panig ng karagatan para makipyesta ang mga tripulante.
Matapos ang misa na ginawa ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Guiterez kaagad inilabas ang itim na Sto. Niño at ikinarga sa amphibian ship hanggang umabot sa fishport.
Bumalik at dumaong ito sa Queen Tuna at doon sinundan ang Niño ng mga kalahok ng Isda-isdaan festival at mga deboto.
Dahil dito, nagkaroon ng traffic dahil sa dami ng mga deboto na gustong pumasok sa simbahan para sa taunang Sinulog.
Mahigit din sa 300 pulis ang pinadala ng Police Regional Office (PRO) 12 para magbigay ng seguridad sa nasabing okasyon.
Dahil sa nasabing fiesta nagsimula nang nagkulang ang suplay ng isda sa merkado dahil nagsiuwian ang mga mangingisda mula sa laot. (Bomboradyo)
0 comments:
Post a Comment