Bisyo, perwisyong ingay at mga batang hindi mapakali sa loob ng bahay.
Ang mga bagay o problemang ito sa isang pasaway na akala ng marami ay pangkaraniwan lang at hindi pinapansin ay may malaki pa lang positibong idudulot sa pamilyang Pinoy sa pangkalahatan kung ito ay totohanang malulunasan.
Sinimulan na ito ni presumptive President Rody Duterte sa Davao City at sa katunayan ito umano ang kanyang maipagmamalaking exhibit A at pruweba sa mga maibibidang nagawa niya na puwede ring ilarga sa buong bansa.
“We will continue to work as I have work as your mayor. I will replicate what I did to Davao,” paghahayag ni Duterte.
Sa panayam kahapon pinatotohanan ni Councilor Bernie Al-ag, floor leader ng Davao City na ang mga ordinansa na kanilang pinatupad sa Davao ay nagdulot ng maraming positibong epekto sa pamilyang Dabawenyos.
Lahat naman umano ng ipinatupad na ordinansa sa Davao ay binalangkas dahil sa complaint na nanggagaling mismo sa mga residente.
“We ban firecrackers here. In the last 12 years walang paputok sa Davao City. ‘Yun ang solusyon takot ang tao sa straybullet, maputulan ng paa at kamay ang mga anak nila. Ang nangyari torotot lang kami sa New Year pero mas naging close ang pamilya,” banggit ni Al-ag.
“Itong curfew kaya ito nagawa dahil may mga complaint sa mga parent. Maraming mga incident kahit na madaling-araw, nasa labas pa rin ang mga minor marami ang problemado sa kanilang mga anak. Para lang ito sa minor 18 below. Puwede kang kwestyunin ng pulis kung hindi alam ang bahay mo dalhin ka sa police station. Mas naa-appreciate ng parents.
“Iba naman ang alchol ban hanggang madaling-araw, na dati noong wala pa ito, maraming inuman tapos marami pang riot. 1:00 a.m. to 8:00 a.m. ang ban. Puwede ka pang uminom pero non-alcoholic na. Applicable lang sa establishment bar mga nagbebenta ng alak. Sa private property hindi naman,” dagdag ng konsehal.
Dahil umano rito ay naging masaya ang pagsasama ng maraming mag-asawa dahil ‘yung mga padre de pamilya nasa bahay nang maaga.
Sa usapin naman ng paninigarilyo, hinirit ni Al-ag na ito ay sa public place lamang. “Smoking ban kung sa loob ng bahay mo walang problema. Magsa-sacrifice ‘yung mga may bisyo. It’s for our protection. Malakas ang bonding ng family…sa public place walang makakasalubong na lasing wala kang malalanghap na usok ng sigarilyo.
“Sa noise ordinance, any loud noise beyond 9:00 p.m. bawal na. Nagawa ‘yan dahil din sa complaint. Pag nagbi-videoke, wagas parang walang katapusan. Lagyan mo ng soundproof ang bahay mo puwede ‘yan,” ani Al-ag.
Isa pa sa binanggit ni Duterte na puwede ring ipatupad nationwide ay ang 911 emergency response.
“Puwedeng-puwedeng ipatupad on a national scale. Maraming positive na-create itong mga ordinansa nagiging closer at feel safe ang pamilya,” pangangtwiran pa ni Al-ag.

(Abante Tonite)
0 comments:
Post a Comment