Home » » Pag-atake sa coffee shop sa Iraq, inako ng ISIS

Pag-atake sa coffee shop sa Iraq, inako ng ISIS

 

Inamin ng teroristang ISIS na sila ang responsable sa pag-atake sa isang coffee shop sa central Iraq na ikinamatay ng 20 katao.

Tatlong katao ang sangkot sa naturang insidente.

Noong Biyernes, inako rin ng Sunni terror group ISIS ang pag-atake sa Balad, isang Shiite-majority city na may layong 80 kilometers (50 miles) hilaga ng Baghdad.

Sa loob lamang ng tatlong araw, nag-iwan ang pag-atake ng 110 kataong namatay.

Naglagay pa ang security forces ng checkpoints sa lugar pero nakalusot ang mga suspek.

Pagkatapos ng dalawang oras ay nakipagbarilan ang mga pinaniniwalaang terorista sa mga security personnel sa isang checkpoint sa lungsod.

Napag-alamang pinasabog ng tatlong terorista ang kanilang mga sarili bago makaabot sa checkpoint.
 
Share this video :

0 comments:

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Even Demata - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger