Handa umanong sawayin ng Commission on Human Rights (CHR) ang ugali ni President Rodrigo Duterte kahit na ito pa ang pinakamataas na opisyal ng bansa
Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM GenSan, sinabi ni Commissioner Gwen Pimentel na hindi umano nila pababayaan ang pag-uugali ni Duterte lalo na’t siya ang magtatayong ama at lider ng bansa.
Giit nito, na handa nilang sawayin ang presidente lalo na kung iiral ang hindi magandang ugali nito.
Ayon kay Pimentel, na nararapat lamang umanong maging sensitibo si Duterte sa kanyang mga salita at sa gawa.
Nabatid na hindi nagustuhan ng CHR ang binitawang komento nito kaugnay sa "rape joke" ni Duterte sa isang babaeng Australian missionary.
(Brigada)
0 comments:
Post a Comment