Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia, kung talagang may basehan ang paratang ay tutulong ang poll body sa pagtukoy ng katotohanan.
Iginagalang naman daw nila ang karapatan ng sinuman na maghain ng reklamo lalu na kung sa tingin nila ay hindi patas ang resulta ng eleksyon.
Sa panig umano ng Comelec, ang mga inihahaing reklamo ay maituturing din na audit dahil sa pamamagitan nito ay maari nilang malaman kung may dapat pang paghusayin sa sistema ng eleksyon.
(Brigada)
0 comments:
Post a Comment