Ani Dela Cruz, identified na nila ang mga lugar o probinsiya kung saan nangyari ang vote shaving o pagbawas sa boto ni Marcos tulad sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera pati na rin sa Mindanao tulad sa Maguindanao at Basilan.
Naniniwala ang mambabatas na hindi magtatagal ay malalaman ang buong katotohanan sa nangyaring dayaan sa eleksiyon sa pamamagitan ng pagsasampa nila ng election protest.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kung sino man daw ang nang-aakusa, marapat lamang na dalhin ang reklamo at ebidensya sa tamang forum.
Una rin dito, hindi kumbinsido sa testimonya ng mga nagpapakilalang whistleblower ng umano'y "dayaan" sa halalan si Vice President elect Leni Robredo.
Para sa susunod na bise presidente, mainam na ilabas ang impormasyon kung may hindi tamang pangyayari, ngunit ibang usapin na kung ito ay nahahaluan ng kasinungalingan.
Sa pagbubunyag daw kasi ng nagsasabing testigo sa dayaan ay hindi tugma ang figure sa boto na kaniyang nakuha sa lalawigan ng Quezon at wala ring maipakitang ebidensya.
(Bomboradyo)
0 comments:
Post a Comment