Home » » 'Minor glitch' naiwasan sana ng Comelec - Palasyo

'Minor glitch' naiwasan sana ng Comelec - Palasyo

 

Kumbinsido ang Malacanang na marami pang dapat ayusin ang Commission on Elections (Comelec) para maiwasang maulit ang mga tinatawag na 'minor glitch' sa pagsasagawa ng halalan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kung inasikaso siguro at binigyan ng kaaya-ayang solusyon ang mga kakulangan ay mas magiging katanggap-tanggap at makabuluhan sana ang karanasan sa eleksyon.

Ayon kay Coloma, hinihikayat nila ang lahat na maghayag ng saloobin at karanasan para maitama ang mga pagkakamali sa layuning mapagbuti ang halalan sa susunod na pagkakataon.

Kabilang daw sa dapat pagtuunan ang gusaling ginagamit sa eleksyon upang maging madali sa mga senior citizens at may kapansanan, gayundin sa listahan ng mga botante.

"Yung mga kahit na mga seemingly minor details, kung inasikaso siguro at binigyan ng kaaya-ayang solusyon ay talagang mas magiging katanggap-tanggap at makabuluhan ‘yung karanasan natin. Pero, ang importante din naman ‘yung sa kabuuan, ‘yung pakiramdam natin na naging maayos ito ay nabigyan tayo ng pagkakataon na ilahad ang ating saloobin," ani Coloma. 
(Bomboradyo)
Share this video :

0 comments:

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Even Demata - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger