Hahayaan umano ng MalacaƱang si incoming president Rodrigo Duterte na mag desisyon kung saan nito gustong mamalagi matapos niyang ihayag na ayaw niyang tumira sa palasyo sa oras na umupo siya sa puwesto.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hahayaan ng Palasyo si Duterte na mamili kung saan ito komportableng mamalagi.
Una nang sinabo ni Digong na hangga't maaari ay uuwi siya sa Davao
upang magpahinga at matulog sa kaniyang kama dahil ito umano ang
kaniyang "comfort zone".
Samantala, inihayag din ni incoming president na mag-uumpisa ang kanyang araw sa ala-una ng hapon at magtatapos ng alas-dose ng hating gabi sa opisina.
(Brigada)
Samantala, inihayag din ni incoming president na mag-uumpisa ang kanyang araw sa ala-una ng hapon at magtatapos ng alas-dose ng hating gabi sa opisina.
(Brigada)
0 comments:
Post a Comment