Posted by Unknown
Posted on 4:00 AM
with No comments
A
lot of people are having a hard time in removing the fats in their
belly. They are always searching for ways on how they could easily get
rid of their belly fats. Some sought to exercising which is one of the
better ways to lose stomach fat. But the problem with exercise is that
it reduces only some of the fats, most of which almost returns when you
stop exercising.
Here are some simple tips that you have to do to lose your belly fats:
1.Balanced Diet
--- include a high protein diet, which contains no sugars but
high amount of fibers and other nutrients. Fruits and fresh vegetables
also ensure that your diet is more balance and leads to weight loss.
2.Stay Away From Stress
--- Ease all the stress to avoid having belly fats because excessive stress is one of the main reasons for belly fat.
3.Drink Plenty of Fluids
--- Avoid sodas as well as alcohol. Start taking more water because this will help make your metabolism fast.
4.Natural Extracts and Supplements
--- Aside from plenty fluids and balanced diet, natural supplement may
also help in removing fats in your belly. Commonly used supplements
include green coffee bean, Garcinia Cambogia extract and L- Carnitine.
Posted by Unknown
Posted on 1:37 AM
with No comments
Handa umanong sawayin ng Commission on Human Rights (CHR) ang ugali ni
President Rodrigo Duterte kahit na ito pa ang pinakamataas na opisyal ng
bansa
Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM GenSan, sinabi ni
Commissioner Gwen Pimentel na hindi umano nila pababayaan ang
pag-uugali ni Duterte lalo na’t siya ang magtatayong ama at lider ng
bansa.
Giit nito, na handa nilang sawayin ang presidente lalo na kung iiral ang hindi magandang ugali nito.
Ayon kay Pimentel, na nararapat lamang umanong maging sensitibo si Duterte sa kanyang mga salita at sa gawa.
Nabatid na hindi nagustuhan ng CHR ang binitawang komento nito kaugnay
sa "rape joke" ni Duterte sa isang babaeng Australian missionary. (Brigada)
Posted by Unknown
Posted on 1:27 AM
with No comments
Nakahanda umano ang Comelec na tumulong sa imbestigasyon kaugnay ng paratang ng mga nagpapakilalang IT expert na lumutang sa Senado na nagpalutang ng diumanoy dayaan sa pamamagitan ng SD card.
Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia, kung talagang may basehan ang paratang ay tutulong ang poll body sa pagtukoy ng katotohanan.
Iginagalang naman daw nila ang karapatan ng sinuman na maghain ng reklamo lalu na kung sa tingin nila ay hindi patas ang resulta ng eleksyon.
Sa panig umano ng Comelec, ang mga inihahaing reklamo ay maituturing din na audit dahil sa pamamagitan nito ay maari nilang malaman kung may dapat pang paghusayin sa sistema ng eleksyon. (Brigada)
Posted by Unknown
Posted on 1:04 AM
with No comments
Muling
tiniyak ni Abakada Partylist Rep. Jonathan dela Cruz at tumatayong
campaign adviser ni Sen. Bongbong Marcos na hindi sila susuko hangga’t
hindi makakamit ang katotohanan sa umano’y nangyaring "vote shaving" sa
boto ng senador.
Ani Dela Cruz, identified na nila ang mga lugar o probinsiya kung saan nangyari ang vote shaving o pagbawas sa boto ni Marcos tulad sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera pati na rin sa Mindanao tulad sa Maguindanao at Basilan.
Naniniwala ang mambabatas na hindi magtatagal ay malalaman ang buong
katotohanan sa nangyaring dayaan sa eleksiyon sa pamamagitan ng
pagsasampa nila ng election protest.
Sinabi ni Communications
Sec. Sonny Coloma, kung sino man daw ang nang-aakusa, marapat lamang na
dalhin ang reklamo at ebidensya sa tamang forum.
Una rin dito,
hindi kumbinsido sa testimonya ng mga nagpapakilalang whistleblower ng
umano'y "dayaan" sa halalan si Vice President elect Leni Robredo.
Para sa susunod na bise presidente, mainam na ilabas ang impormasyon
kung may hindi tamang pangyayari, ngunit ibang usapin na kung ito ay
nahahaluan ng kasinungalingan.
Sa pagbubunyag daw kasi ng
nagsasabing testigo sa dayaan ay hindi tugma ang figure sa boto na
kaniyang nakuha sa lalawigan ng Quezon at wala ring maipakitang
ebidensya. (Bomboradyo)
Posted by Unknown
Posted on 12:55 AM
with No comments
Nilinaw ni incoming president Rodrigo Duterte na hindi coalition
kundi inclusive government ang alok niya sa mga rebelding grupo sa
bansa.
Sa isang panayam kay Duterte, sinabi nito na inatasan na
niya ilan sa kanyang cabinet members upang kausapin na ang ilang
rebelding grupo sa bansa para sa peace process.
Samantala, umaasa naman si presidential adviser Jess Dureza na maganda
ang kalalabasan sa kanyang pakikipag-usap sa founding chairman ng CPP na
si Jose Maria Sison.
Maalalang una ng nabatid na sinabi ni
Duterte na kung nakahanda ng bumalik sa bansa si Sison ay bibigyan niya
ito ng "safe conduct pass."
Sakaling hindi naman maging maganda ang kalabasan ng negosasyon ay maari umano itong bumalik sa Norway.
Posted by Unknown
Posted on 12:48 AM
with No comments
Mariing kinondena ng pamunuan ng pambansang pulisya ang ginawang
pagsalakay ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa
Gov. Generoso Police Station sa Davao Oriental at pagdukot sa mismong
chief of police ng nasabing police station.
Ayon kay PNP
Spokesperson C/Supt. Wilben Mayor, ongoing pa rin sa ngayon ang
isinasagawang hot pursuit operations laban sa nasa 60 na mga armadong rebelde na sumalakay sa istasyon ng pulisya.
Tumutulong na rin umano sa operasyon ang 701st Brigade ng Philippine Army sa paghahanap sa mga salarin.
Ayon naman kay Supt. Antonio Ibot, spokesperson ng Davao Oriental
Police Provincial Office, sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay
planado ang ginawang pag-atake ng rebeldeng grupo at “agaw-armas” ang
kanilang motibo.
Ani Ibot na kasalukuyan ay nasa full alert status na ang buong pwersa ng pulisya sa Davao Oriental kaugnay sa insidente.
(Radyo Inquirer)
Posted by Unknown
Posted on 4:59 AM
with No comments
Hahayaan umano ng MalacaƱang si incoming president Rodrigo Duterte
na mag desisyon kung saan nito gustong mamalagi matapos niyang ihayag na
ayaw niyang tumira sa palasyo sa oras na umupo siya sa puwesto.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hahayaan ng
Palasyo si Duterte na mamili kung saan ito komportableng mamalagi.
Una nang sinabo ni Digong na hangga't maaari ay uuwi siya sa Davao
upang magpahinga at matulog sa kaniyang kama dahil ito umano ang
kaniyang "comfort zone".
Samantala, inihayag din ni incoming
president na mag-uumpisa ang kanyang araw sa ala-una ng hapon at
magtatapos ng alas-dose ng hating gabi sa opisina. (Brigada)
Posted by Unknown
Posted on 4:54 AM
with No comments
Nag-alok ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng
libreng training sa mga bagong halal na opisyal na uupo sa susunod na
buwan para maalalayan sa kanilang bagong tungkulin.
Ayon kay DILG
Mel Sarmiento, bumuo na ang kagawaran ng capacity development program
na layong ihanda ang mga bagong local government officials.
Layon din ng training program na pahusayin pa ang leadership skills ng
mga lokal na opisyal gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan sa provincial
government at pridadong sektor.
Kabilang dito ang pagtuturo sa
pagkakaroon ng transition team na tututok sa transition documents at
briefing schedule para sa turnover ng mga operasyon ng local na
pamahalaan. (Bomboradyo)
Posted by Unknown
Posted on 4:41 AM
with No comments
Aminado ang Commission on Higher Education o CHED na kulang ang mga job vacancy para sa mga bagong college graduate ngayong taon.
Ayon sa CHED, mula sa 700,000 bagong graduate ay 70,000 lamang ang job openings para sa kanila at karamihang requirement sa mga naturang trabaho ay hindi na kailangan ng college degree.
Dahil dito, posibleng lalong lumaki ang bilang ng mga job mismatch kaya’t kinalampag ng komisyon ang gobyerno upang lumikha ng mas maraming trabaho.
Kabilang sa mga in-demand na trabahong tinukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay call center agents, customer service assistants, production o factory worker at service crew. (DWIZ)
Posted by Unknown
Posted on 4:35 AM
with No comments
Epektibo na simula sa Huwebes, Hunyo 2 ang wage increase para sa mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila.
Alinsunod sa bagong daily minimum wage rates ng National Wages and
Productivity Commission sa National Capital Region, karagdagang 10 pesos
na cost of living allowance kada araw ang matatanggap ng mga manggagawa
sa kanilang basic pay.
Saklaw nito ang mga nasa non-agriculture sector kabilang ang private hospitals na may bed capacity na hindi aabot sa 100.
Dahil dito, nasa 491 pesos na ang arawang sahod ng mga nagtatrabaho sa
naturang sektor sa Metro Manila mula sa dating 481 pesos.
Posted by Unknown
Posted on 7:21 PM
with No comments
Maghahandog
ng sari-sariling misa ang dikit na magkalaban sa vice presidential race
na sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Senator Ferdinand “Bongbong”
Marcos ngayong araw ng Linggo.
Batay sa imbitasyon ng campaign
team ni Robredo, magaganap ang thanksgiving mass ng kanilang kampo sa
Church of Gesu sa Ateneo de Manila University campus sa Quezon City mamayang alas tres ng hapon.
Ayon sa kampo ng mambabatas, ang misa ay para sa naging mapayapa at matagumpay na eleksyon ngayong taon.
Samantala, ang kampo naman ni Marcos ay maghahandog ng misa sa Baclaran
Redemptorist Church sa ParaƱaque City mamayang 12:30 ng tanghali.
Inaanyayahan ng kampo ni Marcos ang publiko na dumalo at makisalo sa nasabing misa.
Batay sa partial and unofficial tally of votes para sa bise presidente,
patuloy pa rin ang pangunguna ni Robredo bagay na tinututulan ni Marcos
dahil sa akusasyon nito sa Liberal Party na pandaraya.
Una
nang nanawagan ang kampo ni Marcos sa Commission on Elections at Parish
Pastoral Council for Responsible Voting na itigil na ang quick count. (Radio Inquirer)